Inihahanda na umano ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang ikalawang bugso ng isasampa nilang mga reklamo kontra sa mga supporter ng investment scam na Kapa Community Ministry International.
Kaugnay ito sa umano’y paglulunsad muli ng operasyon ng grupo sa ilalim ng pangalang Kapa Worldwide Ministry Association.
Ayon kay SEC chairman Atty. Emilio Aquino, hindi raw ito rehistrado sa kanila at posible raw maharap sa reklamo ang mga supporters na nagpapakalat ng maling mga impormasyon.
Dagdag pa ng opisyal, sumbitted for resolution na raw sa Department of Justice ang unang kaso na inihain ng SEC laban sa KAPA.
Una nang binawi ng SEC ang certificate of registration ng KAPA dahil sa hindi nito pagtupad sa mga alituntunin ng komisyon.
Maaalalang naging kontrobersiyal ang founder ng KAPA na si Joel Apolinario dahil sa 30% na interes kada buwan sa mga donasyon mula sa kanilang miyembro.