-- Advertisements --
Nakisimpatiya si Securities and Exchange Commission (SEC) Chairman Emilio Aquino sa Bombo Radyo, kasunod ng ginawang pamamaril ng isang grupo ng armado sa Bombo GenSan station.
Ayon kay Aquino, maging sila man na naghahabol sa mga scammer ay hindi rin pinalalagpas ng mga masasamang tao sa pagbabanta at paninirang puri.
Kaya naman, hinimok nito ang Bombo Radyo na ipagpatuloy lamang ang pagpuna sa mga sangkot sa mga iligal na aktibidad.
“Tuloy lang sa advocacy. Malawak ang naaabot nyo kaya apektado sila,” wika ni Aquino.
Si Aquino ay kasalukuyang nasa labas ng bansa para sa ilang pulong, pero nangako ito ng mas maigting na paghabol sa mga investment scheme na naglipana, lalo na ang KAPA na una na nilang ipinasara.