-- Advertisements --

Nasita ni Senador Raffy Tulfo ang Securities and Exchange Commission (SEC) dahil sa pagre-regulate nito sa mga financial at lending companies na nagpapatakbo ng kani-kanilang mga online lending applications (OLAs).

Natuklasan ni Tulfo si ikinasang pagdinig ng Senate Subcommittee on Banks and Financial Institution na hinahayaan umano ng SEC ang lending companies na ipamahagi ang  confidential information ng “borrowers” sa third party service providers na nakasaad sa Section 2 ng kanilang Circular No. 18 s. 2019.

Depensa ni Atty. Kenneth Joy Quimio, OIC Director ng Financing and Lending Companies Department ng SEC, partner naman daw ito ng mga OLA na nagsisilbing agents nila.

Bagaya na tinutulan ni Tulfo at sinabing maliwanag na paglabag ito sa Data Privacy Act of 2012 (Republic Act No. 10173) na pumoprotekta sa mga sensitibong impormasyon ng isang indibidwal. 

Dagdag pa ng senador, magkaibang entity ang OLA at ang third party service provider na hindi dapat binibigyan ng ganitong mga sensitibong impormasyon.

Iminungkahi ni Tulfo na  magtalaga o mismong mga collection units na dapat ng OLAs ang dapat kumolekta ng mga utang para may habol ang mga biktima sakaling sila ay i-harass.

Inirekomenda rin ng mambabatas ang tuluyang pagsibak sa naturang probisyon ng naturang SEC Circular at pagrepaso nito para makabuo ng bagong polisiya na siyang sinang-ayunan ni Atty. Quimio.