Nagpahayag ng suporta si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo sa House Bill 9252 o ang proposed COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.
Layunin ng panukala na ito na gawing mandatory ang pagbabakuna laban sa coronavirus disease.
Ayon kay Panelo, hindi raw dapat sumama ang loob ng publiko kung maging ganap itong batas dahil para rin aniya ito sa ikabubuti ng lahat.
Inihain ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang House Bill 9525 na layong amiyendahan ang Republic Act 11525 o Covid-19 Vaccination Program Act of 2021 na gagawing mandatory ang pagbabakuna ng bawat isa kontra sa nakamamamatay na virus.
Sasailalim muna ito sa pag-aaral ng Department of Health (DOH) at posibleng ibigay ng libre sa anumang government hospital o health center alinsunod na rin sa Republic Act 11525 subalit kailangang siguraduhin na sciemce at evidence based ang gagawing pagbabakuna.