-- Advertisements --

Hindi tumitigil ang Securities and Exchange Commission (SEC) na sampahan ng mga kaso ang mga gumagawa ng illegal investment schemes.

Ayon sa SEC na pinakahuling sinampahan nila ng kaso ay si Hector Pantollana ang lider ng Philippine National Esports League, Horizon Players Club, atTeam Z.

Kasamang sinampahan ng kaso ang 27 ibang mga lider ng casino junket operators na kasosyo umano ni Pantollana.

Nilabag nila umano ang Securities Regulation Code (SRC) and the Anti-Money Laundering Act at napatunayan na nangongolekta sila ng investments para mapondohan ang kanilang casino junket operations at ilang financing activities.

Noong nakaraang taon ay binigyan na nila ng cease and desist order ang inireklamo subalit binalewala niya ito.