-- Advertisements --
Patuloy ang pagpapaigting ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa mga grupo na iligal na kumukuha ng mga investments ng walang kaukulang registration at lisensya.
Ayon sa SEC na mayroong apat na kumpanya ang sinampahan na nila ng reklamo sa Department of Justice dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8799 o kilala sa The Securities Regulation Code (SRC).
Ang nasabing mga kumpanya ay rehistrado subalit walang lisensiya na kumuha ng anumang investments.
Patuloy din ang panghihikayat nila sa publiko na agad na isumbong sa kanilang opisina ang anumang iligal na kumpanya na nanghihikayat ng investment.