-- Advertisements --
Pinapatigil ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang operasyon ng limang online lending firm.
Ayon sa inilabas na kautusan ng SEC na dapat itigil agad ng mga kumpanyang Tacoloan, VCash, 365 Cash, SwipeCash, at BootCash ang operasyon hanggang makakuha ng kaniya-kaniyang Certificate of Authority to Operate bilang Lending o Financing Company.
Nakasaad din sa kautusan na dapat tigilan din nila ang pagsasagawa ng mga online advertisement.
Naglabas agad ng kautusan ang SEC matapos na malaman nila na ang nasabing mga online lending company ay hindi rehistrado bilang corporation o nakakuha ng Certificate of Authority to Operate as a Lending o Financing Company (CA).
Nauna rito ay may ilang online lending company na rin na pinatigil ang SEC.