-- Advertisements --

Umaasa si Finance Secretary Ralph Recto na tutugunan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang rekomendasyon nito na tuluyan ng pagbawalan ang mga operasyon ng offshore gaming operations.

Sinabi ng kalihim na noon pang mga nagdaang linggo ng isinumite nito ang nasabing rekomendasyon.

Dagdag pa nito na ang isang malaking problema ngayon ang pagpapatakbo ng POGO kaya marapat na itigil na lamang ito.

Hindi na nito idinetalye ang kaniyang rekomendasyon pero nauna ng sinabi niya na hindi siyan nagsusulong ng mga sugal.