Inamin ng bagong talagang kalihim ng Department of Finance Sec. Ralf Recto na target nitong makakolekta ng nasa P4.3 trillion na buwis at revenues ngayong 2024.
Sinabi ni Recto na tatlong trilyon ang target collection ng Bureau of Internal Revenue, 1-trillion sa Bureau of Customs at 300 Billion sa Bureau of Treasury.
Ayon kay Recto dapat umabot sa 20 Billion ang koleksiyon kada araw upang masiguro ang fiscal sustainability.
Inihayag naman ng Kalihim na nakatakdang mangutang ang gobyerno ng nasa kabuuang P2.7 trillion ngayong taon.
Siniguro naman ni Recto na kaniyang sisiguraduhin na tama ang paggastos ng pondo sa kaban ng bayan at mabilis na pagtugon sa mga investment.
Samantala, Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Finance Secretary Ralph Recto na pakatutukan ang problema sa smuggling na isa sa dahilan na nagkakaproblema ang ekonomiya ng bansa.
Nais ng Chief Executive na pangunahan ni Recto ang kampanya laban sa anti-smuggling campaign ng pamahalaan at panagutin ang mga nandaraya ng buwis.
Sa ngayon kasi ayon kay Pang. Marcos ginagawa ng negosyo ang smuggling.
Sinabi ng Presidente hindi dapat mamayagpag ang mga mandaraya kaya nais nitong matigil na ang mga iligal na aktibidad.