-- Advertisements --

Nilinaw ng isang mambabatas na walang kinalaman ang hindi pagpaparehistro ng People’s Initiative for Modernization and Reform Action (PIRMA) sa Securities and Exchange Commission (SEC) para isulong ang hinaing ng mga tao na naghahangad ng pagbabago sa 1987 Constitution.

Paliwanag ni 1-RIDER Rep. Rodge Gutierrez na isa ring abogado at miyembro ng House minority bloc, hindi kinakailangan ang sertipikasyon SEC sa isinusulong na people’s initiative.

Ang pahayag ni Gutierrez ay kaugnay na rin sa testimonya ng isang opisyal ng SEC na nagsabing 2004 pa nang kinansela ng tanggapan ang registration ng PIRMA.

Ang PIRMA ay kasalukuyang pinamumunuan ng negosyanteng si Noel Oñate, isa sa grupong bahagi sa nagsusulong ng peoples’ initiative.

Sa pagdinig sa Senado, sinabi naman ng legal counsel ng PIRMA na si Alex Avisado na kasalukuyan pa ring nilang kinokumpleto ang proseso para sa corporate registration ng PIRMA sa SEC.

Ayon kay Avisado na naisumite na nila ang mga dokumento sa pamamagitan ng online portal ng SEC noong nakaraang buwan.