Mainit na binati ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” C. Remulla ang Department of Justice’s Witness Protection, Security and Benefit Program (DOJ-WPSBP) matapos nitong malampasan ang kanilang layunin na makakuha ng mga testigo na nagsilbing instrumento sa matagumpay na pag-uusig ng mga kaso.
Nakamit kasi ng Witness Protection, Security and Benefit Program ang 95.65% na rating para sa matagumpay na pag-uusig ng mga kaso katuwang ang mga testigo na sakop ng programa para sa CY 202.
Ang naturang porsyento ay lampas sa 84.80% na target nito.
Bukod dito, ang Witness Protection, Security and Benefit Program ay nakamit ang perpektong 100% na rating sa pagproseso ng mga aplikasyon para sa coverage ng saksi at porsyento ng mga testigo na sakop na walang naiulat na hindi kanais-nais na mga insidente.
Giit ng kalihim, ang misyon ng Witness Protection, Security and Benefit Program ay gumaganap ng isang napakahalagang papel sa pagtataguyod ng Rule of Law.
Kinilala rin ni Remulla ang ipinamalas nilang dedikasyon upang pangalagaan ang mga testigo.