ILOILO CITY – Dumating sa Iloilo City ang mga opisyal ng Malacanang upang magdala ng mga COVID-19 vaccine at mga hospital equipment.
Ito ay pinangunahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Kasama ni Roque sa pagpunta sa Iloilo City sina Health Undersecretary Leopoldo Vega, Health Assistant Sec. Romeo Ong, at DOH NCR director Dr. Ariel Valencia.
Si Roque at mga cabinnet officials ay sakay ng C-130 plane.
Ang nasabing mga opisyal ay sinalubong nina Department of the Interior and Local Goverment (DILG) Region 6 Director Juan Jovian Ingeniero at DOH Region 6 Director Dr. Adriano Suba-an.
Bitbit ng nasabing mga opisyal ang 50,000 doses ng Sinovac vaccine.
Maliban dito, dala nila ang 27 mechanical ventilator, 31 Bilevel Positive Airway Pressure, 5 High Flow Nasal Cannula at 12,000 Personal Protective equipment (PPEs).