-- Advertisements --

Tiniyak ni Atty. Oliver Leonardo ng enforcement division ng Securities and Exchange Commission (SEC) na matibay ang kanilang mga ebidensya laban sa KAPA-Community Ministry International.

Ayon kay Leonardo sa panayam ng Bombo Radyo, malinaw sa reklamo sa mga paglabag ng KAPA dahil sa pagkalap nila ng investment kahit walang sapat na permit at paggamit ng mga ahenteng hindi naman pinapayagan ng SEC.

Tiwala ang opisyal na malaki rin ang tyansang umusad ng iba pang kaso, kasama na ang syndicated estafa ng National Bureau of Investigation (NBI).

Kabilang sa mga pinakakasuhan sina Joel Apolinario, Reyna L. Apolinario at Margie A. Danao para sa paglabag sa Section 8(8.1) ng SRC;

Para naman sa paglabag sa Cybercrime Law, pinakakasuhan ang mag-asawang Apolinario, Margie A. Danao, Adelfa Fernandico, Moises Mopia, Marisol M. Diaz and Reniones D. Catubigan.