-- Advertisements --

Nakatakdang turuan ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang mga guro sa bansa para agad nilang matukoy ang isang investment scams.

Ito ang naging layon ng ginawang pirmahan ng memorandum of agreement (MOA) nila sa DepEd para turuan ang mga guro na agad na matukoy at maiwasan ganun din ay ireport ang mga iligal na investment schemes.

Lumabas din sa datus ng SEC na maraming mga guro ang nabibiktima ng mga iligal na investment schemes.

Sa panig ng DepEd ay kanilang ilalagay ang mga impormasyon sa isang learning materials na gagamitin para sa loob ng klase.