LEGAZPI CITY – Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang mga hakbang sa direktiba sa road clearing operations.
Kasunod ito ng kasong administratibo na isinampa ng DILG sa 10 alkalde dahil sa bigong implementasyon.
Inihayag ni DILG Bicol Director Atty. Anthony Nuyda sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, nakadepende pa rin ang due process na kakaharapin ng mga naturang LGUs sa evaluation ng Office of the Ombudsman.
Matatandaang Oktubre 2019 nang ibaba ang show cause order para sa 10 LGUs sa Bicol na bigo sa direktiba habang binigyan rin ng panahon na makapagsumite ng paliwanag.
Sa naturang bilang, naniniwala si Nuyda na hindi nakumbinse ang DILG central office sa naging paliwanag ng mga kinasuhan.
Samantala, isusunod na ang second phase ng validation ngayong Enero hanggang Pebrero kaya’t abiso na panatilihin ang aksyon upang hindi mabigyan ng bagsak na grado.