CAUAYAN CITY – Naitala na ng Turkey ang 2nd wave ng COVID 19.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Rodrigo Jariolne, OFW sa Ankara, Turkey na mula nang muling magbukas ang mga business establishments ay marami ang nagpositibo sa virus.
Dahil dito, hindi na ulit pinapayagang lumabas ng kanilang mga amo ang mga Domestic Helper na mga Filipino para hindi sila mahawa sa virus.
Nagsara din anya ang ang isang mall matapos na mahawaan sa COVID-19 ang mga empleyado nito.
Sinabi niya na noong nakaraang linggo ay nagsara ang Panora Mall sa Ankara, Turkey dahil sa pagkakahawa ng mga empliyado nito matapos na may makapasok na positibo sa COVID-19.
Ang itinuturo umanong dahilan ay dahil sa lamig na mula sa aircon.
Aniya, hindi naman ito masyadong malaki na mall at luma na ngunit maraming mamimili ang pumapasok sa nasabing mall.
Wala naman aniyang Pilipinong manggagawa na nagpositibo at pawang mga Turkish lamang gayunman ay nangangamba pa rin sila dahil nagtatrabaho rin sila sa mall.