-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Bukas si Labor Secretary Silvestre Bello III sa second wave ng DOLE AKAP na hiling ng mga overseas Filipino workers na apektado ng muling pagpapatupad ng lockdown sa Italya dahil sa COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Secretary Bello na bukas siya sa hiling ng mga OFW sa Italya at handa niyang ilobby kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, mahalaga sa pangulo ang mga OFW kaya tiyak niyang hindi nito pababayaan ang mga kababayang nasa ibang bansa.

Ang DOLE AKAP ay isang programa ng DOLE kung saan mabibigyan ng 200 US dollars o P10,000.00 ang mga OFWs na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon pa sa kalihim, patuloy na sasagutin ng pamahalaan ang repatriation ng mga gustong umuwi na OFWs gayundin ang kanilang swab test at accomodation sa mga hotel habang naghihintay ng resulta ng kanilang swab test hanggang sa sila ay makauwi.