-- Advertisements --

Halos hindi umano agad nasambit ni Jessy Mendiola ang matamis niyang “oo” sa naging marriage proposal ng boyfriend at kapwa artistang si Luis Manzano.

Jessy Luis engaged 5

Pahayag ito ng 28-year-old actress, matapos nilang ianunsyo ni “Lucky” nitong 12-12 o December 12, na sila ay engaged na.

Kuwento ng bride-to-be, iba pala talaga sa pakiramdam noong lumuhod na sa kanyang harap ang 39-year-old TV host/actor hanggang sa maisuot ang engagement ring.

Nabatid na nitong Oktubre o kasabay ng birth month ni Jessy nangyari ang marriage proposal at piniling isikreto sa publiko, ngunit napagtanto na deserved din naman daw itong ibahagi sa kanilang mga tagasuporta.

“We are looking at next year (wedding), mid next year. Andami naming mga kaibigan na nagkaroon ng long engagement, some of our friends are telling us na best advice that we could give you is wag na kayo mag long engagement, if you can plan it shorter, do it,” saad ni Mendiola sa ABS-CBN.

Kung maaalala, noong nakaraang buwan naman nang maging makabuluhan ang 67th birthday wish ng ina ni Manzano na si Vilma Santos, kung saan baka “very soon” na aniya ang pagkakaroon niya ng apo.

Lumutang pa ang mga ispekulasyon na hiwalay na sina Jessy at Luis, ngunit nagdiwang pa ng kanilang fourth anniversary.