-- Advertisements --
Matapang na tinanggap ni Director of Secret Service Kimberly Cheatle ang responsibilidad sa nangyaring tangkang pamamaril kay dating US President Donald Trump.
Sa isinagawang inquiry ng oversight committee ng US House of Representative, na sinabi ni Cheatle na kanilang tinatanggap ang naging kamalian nila noong Hulyo 13 sa tangkang pamamaril kay Trump.
Hindi naman nito sinagot ang ilang katanungan ng ilang mambabatas kung mayroon bang kasamang iba ang suspek na si Thomas Crooks.
Magugunitang umani ng batikos mula sa mambabatas ng US ang maluwag na pagbibigay ng seguridad ng Secret Service sa mga opisyal ng US.