-- Advertisements --
Haharap si United States Secret Service Director Kimberly Cheatle sa House Oversight Committee matapos na magpatawag ang US congress na inquiry ukol sa tangkang pamamaril kay dating US President Donald Trump.
Sinabi ni House Oversight Chairman James Comer na ang pagdinig ay magiging extensive at detalyado.
Dagdag pa nito na tiniyak sa kaniya ng Cheatle na ito ay dadalo at handang sagutin ang anumang katanungan kahit umabot pa ng anim na oras ang pagdinig na magsisimula sa araw ng Martes.
Magugunitang umani ng batikos ang US Secret Service dahil sa kakulangan ng mga ito ng pangangalap ng impormasyon ukol sa tangkang pagpatay kay Trump habang nasa kampanya noong nakaraang mga linggo sa Pennsylvania.