GENERAL SANTOS CITY – Binisita ng mga National Vaccine Operations Center (NVOC) executives na pinangunahan nina Vaccine Czar and National Task Force Against Covid19 Chief Implementer Carlito Galvez Jr., Health Secretary Francisco Duque III at DILG Sec. Eduardo Año ang SM Mega Vaccination Site sa Gensan.
Layunin ng hakbang na ito upang personal na makita ang vaccination activities ng lungsod matapos hinirang ang LGU GenSan bilang “top performer’ sa vaccination efforts nito.
Nabatid na personal na nagturok ng bakuna si Sec. Duque sa mga residente gamit ang J&J Janssen COVID-19 Vaccine kasabay ng kanyang bisita.
Hindi naman makapaniwala ang mga naturokan na makadaupang palad ang DOH Secretary.
Nabatid na sa ngayon umabot nalampasan na ng GenSan ang herd immunity matapos nakapagturok ng kabuuang 582,932 doses sa covid vaccine.