-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nasa kostudiya ng Regional Intelligence Division-13 para sa tamang disposasyon ang nahuling Top 4 Most Wanted member ng communist terrorist group (CTG) na si Atheliana Hijos alias Ka Atel, ang Secretary General ng Gabriela-Caraga.

Kinumpirma ito ni PMajor Jennifer Ometer, tagapagsalita ng Police Regional Office o PRO-13 matapos mahuli ang suspek dakong alas-sais nitong Martes ng gabi, Agusto a-30 sa District 8, Barangay Kinabjangan, Nasipit, Agusan del Norte.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Ometer na ang pagkakahuli kay Hijos ay base na sa inilabas na warrant of arrest ng Regional Trial Court (RTC) Branch 34 sa Cabadbaran City, Agusan del Norte niadtong June 10, 2020 sa kasong muder at kasong kidnapping at serious illegal detention naman na inilabas ng RTC Branch 7, Bayugan City, Agusan del Sur noong Pebrero a-12, 2020, kungaan walang pyansang inirekomenda.

Base umano ng imbestigasyon, mauugnay si Ka Atel sa armadong pakikibaka laban sa mga membro ng Armed Forces of Philippines sa Purok 2, Sitio Kalipayan, Barangay Cuyago, Jabonga, Agusan del Norte noong Nobyembre 20, 2019 na kumitil sa buhay ni Corporal Mario Suson pati na sa pagdukot sa isang Civilian Active Auxiliary (CAA), at nagdetine nito sa di malamang lokasyon noong Disyembre 29, 2018, na naganap sa Barangay Kolambungan, Sibagat, Agusan del Sur.