-- Advertisements --

Nagbitiw sa kaniyang puwesto ang top aide ni New York Governor Andrew Cuomo na si Melissa DeRosa.

Isinagawa ni DeRosa ang pagbibitiw isang linggo matapos ang reklamo ng panggagahasa sa gobernador ng 11 kababaihan.

Sinabi nito na isang mahirap na desisyon ang pagbibitiw nito sa posisyon.

Nanilbihan nito bilang secretary to the governor sa loob ng 10 taon.

Magugunitang inihahanda na ng mga mambabatas ng New York ang impeachment laban kay Cuomo dahil reklamong panggagahasa sa 11 kababaihan.