-- Advertisements --
MOONS SURFACE
Chang’e-4 landing site

Unti-unti na umanong nadidiskubre ang iba pang bahagi ng buwan na hindi pa napuntahan ng tao.

Ito ay makaraan na ang China’s Chang’e-4 mission, ang kauna unahang nag-landing sa tinaguriang far side of the moon.

Ang bahagi ito ng moon ang itinuturing ng mga scientists na may malalaking mga misteryo.

Sinasabing ang Yutu-2 rover ng China ay idinetalye ang findings na inilabas ng journal na Nature.

Ang Chang’e-4 ay nagtake-off sa China noong buwan ng Disyembre at nag-landing sa Von Karman crater noong January 3.

Sumunod dito ang pag-deploy sa Yutu-2.

Bahagi ng trabaho ng rover ay suyurin ang tinatawag na South Pole-Aitken basin.

Ito ang oldest at largest crater sa far side ng moon na may lawak na 1,553 miles.

Anila, ang pag-aaral daw sa mga pagbabago sa moon ay pinaniniwalaang magbibigay linaw din sa Earth’s evolution.

Kumpara sa mundo ang moon’s surface ay halos hindi pa nagagalaw ayon sa mga researchers.

“Understanding the composition of the lunar mantel is critical for testing whether a magma ocean ever existed, as postulated,” ani Li Chunlai, author at professor ng National Astronomical Observatories ng Chinese Academy of Sciences. “It also helps advance our understanding of the thermal and magmatic evolution of the moon.”

Batay sa ilang data samples na nakalap ng rover sa basin floor ng moon ay may indikasyon daw ng olivine.

Sa teorya pa ng mga researchers ang itaas ng buwan o basalt ay posibleng may
olivine at pyroxene.

Sinasabing ang Yutu-2 ay kukuha pa ng mga sample material sa floor naman ng crater upang madetermina ang pinagmulan nila.

Posible rin daw na magdala ng samples pabalik ng mundo para sa mas detalyado pang mga pag-aaral.

MOON CHINESE ROVER
Chinese rover animation

“Here we report on the initial spectral observations of the Visible and Near Infrared Spectrometer (VNIS)7 onboard Yutu-2, which we interpret to represent the presence of low-calcium (ortho)pyroxene and olivine, materials that may originate from the lunar mantle. Geological context6 suggests that these materials were excavated from below the SPA floor by the nearby 72-km-diameter Finsen impact crater event, and transported to the landing site,” bahagi pa ng report Nature.com.