-- Advertisements --
Binalaan ang Securities and Exchange Commission (SEC) sa mga mapagsamantalang lending companies.
Kasunod ito sa dami ng natanggap na reklamo laban sa mga abusadong lending companies.
Partikular na tinukoy nila dito ang pagbabanta na ginagawa ng ilang online lending companies sa mga kliyente nilang hindi agad nakakapagbayad sa tamang oras.
Nakasaad kasi sa Financial Products and Services Consumer Protection Act, na ipinagbabawal ang paggamit ng pagbabanta sa tuwing naniningil ang isang online lending companies na pautang.
Ang sinumang mapatunayang lalabag ay mahaharap sa pagkakulong ng hanggang limang taon at multa ng hanggang P2million