-- Advertisements --
NAIA
Naia

Tinanggal an ng US Department of Homeland Security (DHS) ang security advisory sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni acting Secretary Kevin K. McAleenan ng Homeland Security, na iniatas niya ang pagtanggal ng advisory na ipinatupad noong December 2018 dahil sa mahinang pagpapatupad ng seguridad sa paliparan.

Dagdag pa nito na base sa naging pakikipag-ugnayan nila sa gobyerno ng Pilipinas ay inayos na nila ang mga security operations sa nasabing paliparan.

Magugunitang naglabas ng travel notice ang US Homeland Security noong Disyembre 2018 matapos na hindi pumasa ito sa security standards na ipinapatupad ng Civil Aviation Organization.

“After months of direct engagement with the United States, the Government of the Philippines has made significant improvements to the security operations of MNL. Both the Manila International Airport Authority and the Government of the Philippines civil aviation security authorities have demonstrated they are willing to work toward sustaining those improvements,” bahagi pa ng statement.