Posibleng matatanggalan ng lisensiya ang security agency ang NC Lanting Security Specialist Agency na siyang nagbibigay seguridad sa Resorts World na pinasok ng isang armadong lalaki kaninang madaling araw na naging dahilan sa pagkasawi ng 36 indibidwal habang 54 ang sugatan at 18 dito ang naka confine sa ospital.
Sa panayam kay PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) chief CSupt. Jose Mario Espino na sakaling mapatunayan na may lapses sa hanay ng mga security guards ay tiyak na mananagot ang security.
Pagtiyak ni Espino na mayroong kaukulang administrative sanction sa mga lumalabag lalo na kapag isa itong grave offense.
Pahayag ni Espino na ang pinaka mababa na parusa ay multa na P50,000 pero kung grave offense, kanselado ang lisensiya nito sa pag operate at maging ang lisensiya ng kanilang mga security guard.
Una rito pinasusumite ng PNP-SOSIA ng report ang security agency kaugnay sa nangyaring insidente sa resorts world sa loob ng 24 oras.
Samantala, inihayag ni Espino na magssagawa din ng sariling imbestigasyon ang SOSIA para matukoy kung may lapses sa hanay ng mga security guard at ito ang magiging basehan ng PNP para kanselahin ang lisensiya ng NC Lanting Security Specialist Agency.
Kanila ding titignan kung ipinatutupad ng mga security guards ang itinakdang mga procedures lalo na sa pagsasagawa ng inspection sa mga indibidwal na pumapasok sa Resorts world.