Ipinatigil ng administrasyon ni US President Donald Trump ang $105 million security adi nito para sa Lebanon matapos magbitiw sa pwesto ni Lebanese Prime Minister Saad al-Hariri noong Miyerkules.
Ayon sa State Department, napagkasunduan ng White House budget office at National Security Council na huwag ibigay ang foreign military assistance ng Estados Unidos sa Lebanon.
Hindi naman binigay ng mga opisyak ang dahilan kung bakit hinarang ang nasabing tulong. Ayon sa isang source, wala raw binigay na eksaktong dahilan ang State Department sa Kongreso kung bakit sila humantong sa ganitong desisyon.
Wala pang komento patungkol dito ang State Department.
Noong Mayo nang aprubahan ng administrasyon assistance para sa Lebanon dahil malaki umano ang matutulong nito sa pagprotekta sa boarder ng Estados Unidos.
Sa kabila nang pagbibitiw ni Hariri sa kaniyang posisyon, hinikayat ni Secretary of State Mike Pompeo ang mga political leader ng Lebanon upang tumulong sa pagbuo ng bagong gobyerno na magiging mas epektibo sa pagbibigay tulong sa pangangailangan ng mamamayan.
Nanawagan din si Pompeo sa mga ito na itigil na ang lumalalang problema ng bansa sa korapsyon.