-- Advertisements --

DAVAO CITY – Kasalukuyang nagpapagaling sa ospital sa Digos City ang apat na miyembro ng security escorts ni Police General Guillermo Eleazar matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang mobile patrol vehicle sa Sitio Lutangan, Brgy Kapatagan, Digos City, Davao del Sur ngayong hapon.

Ayon kang PCol. Vici Anthony Tababa, kabilang ang mga biktima sa nagsilbing security personnel sa pag-dating ni Police General Guillermo Eleazar dito sa Davao Region.

Sa inisyal na impormasyon, nawalan ng brake ang sasakyanan kung kayat sumimplang ito at nagpagulong gulong sa gilid ng daan. Sa ngayon ay wala pang inilabas na karagdagang impormasyon ang PNP patungkol sa status ng mga biktima na nagtamo ng sugat dahil sa nangyaring aksidente.