Umaani ngayon ng batikos ang militar sa Sudan matapos itong maglunsad ng crackdown sa mga ralyista sa kabisera ng bansa na Khartoum na nag-iwan ng 13 patay.
Ayon kay UN Secretary General António Guterres, dapat umanong magkaroon ng independent investigation tungkol sa marahas na pangyayari.
Naalarma rin aniya ito sa mga ulat na nagawa pa raw ng mga security forces na magpaputok sa loob pa mismo ng ospital.
Binansagan naman ito ng Estados Unidos bilang “brutal crackdown,” habang tinawag ito ng Unioted Kingdom bilang “outrageous.”
Kasalukuyang pinamamahalaan ng isang military council ang Sudan buhat nang mapatalsik sa puwesto si President Omar al-Bashir noong Abril.
Sinabi naman ng mga pinuno ng pro-democracy movement, pinipigilan daw nila ang lahat ng contact sa Transitional Military Council (TMC) at nagtawag na rin ng isang general strike. (BBC)