ILOILO CITY – Patuloy pa na pinaghahanap ang security guard na bumaril sa kapwa nito gwardya sa isang tower ng callcenter sa , Diversion Road, Barangay Bolilao, Mandurriao, Iloilo City.
Ang biktima ay si Harold Gador Ticot , 35, kasado, residente ng Oton, Iloilo at nagtamo ng sugat sa tyan
Ang suspek naman ay si Lloyd Gole Katipunan, 36, kasado, residente ng Brgy. Gua-an, Leganes, Iloilo.
Ang biktima ay Assistant officer in charge ng First Delta Group Security Agency kung saan konektado rin ang suspek.
Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Major Shella Mae Sangrines, spokesperson ng Iloilo City Police Office sinabi nito na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang biktima at suspek.
Kaagad namang tumakas ang suspek matapos ang insidente.
Dinala naman sa ospital ang biktima matapos ang pamamaril.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation upang mahuli ang suspek.