-- Advertisements --

ILOILO CITY – Binawian ng buhay ang isang security guard matapos umanong binangungot sa loob ng kanyang boardinghouse sa Taft North, Mandurriao, Iloilo City.

Nakilala ang biktima na si Stanley Olano, 34, residente ng Roxas City, Capiz at pansamantalang naninirahan sa nasabing boarding house.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay alyas Mila, anak ng may-ari ng boarding house, humingi raw ng tulong ang nobya ng biktima na si alyas Christiane dahil hindi man lamang umuungol ang kanyang nobyo at hindi nagigising kahit ilang beses na niya itong ginigising.

Nang kanilang binalikan, nadatnan na lamang nila ang biktima na hindi na gumagalaw at namumutla na.

Sinasabing nitong nakaraang araw lamang nagkakilala ang security guard at ang kanyang nobya at kagabi lamang nagkita at nagkatabing matulog ang dalawa.

Inamin naman ng nobya na may nangyari sa kanila ng biktima bago ito binangungot.