-- Advertisements --

Sibak na sa trabaho ang security guard na makikitang kumumpronta sa isang batang nagtitinda ng sampaguita sa harap ng SM Mega Mall sa Mandaluyong City.

Sa lumabas na video ay makikita na kinuha at sinira ng guard ang mga garland na paninda ng bata.

Dahil sa pagkadismaya at panghihinayang ng bata, pinalo nito sa guwardiya ang natirang mga bulaklak.

Pero hindi ito pinalagpas ng security personnel at sinipa nito ang bata, kasabay ng pagtaboy.

Agad namang naglabas ng pahayag ang nasabing mall matapos kumalat ang video.

Giit ng kompaniya, hindi na nila tatanggapin sa alinmang mall na sakop nila ang nasabing guwardya.

Hindi na muna pinangalanan ang guwardiya, pati na ang bata, habang nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.