-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang isang head guard matapos nitong barilin-patay ang kanyang kasamang guwardya at kamag-anak sa Purok 4 Lambo-lambo Palacapao, Quezon, Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si Karem Bayawon, head guard sa Nailga NASA Force Security Agency habang ang biktima naman ay si Armando Alejan, 46-anyos na parehong residente sa Purok 6 Brgy Bangcod, Malaybalay City sa naturang lalawigan.

Sinabi ni Quezon Municipal Police Station Commander PMaj. Mitchell Clemencio na nag-iinuman ang dalawa ngunit biglang nagkainitan at nagresulta sa madugong krimen.

Nagtamo ng tama sa ulo ang biktima na nagresulta sa kanyang pagkamatay.