-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isangs security guard matapos na aksidenteng maputukan ng hawak na baril sa Barangay Del Rosario, Pamplona, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Carlo Borlagdan 19-anyos ng San Vicente ng nasabing bayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki Police Capt. Greg Bascuña, hepe ng PNP Pamplona, ayon umano sa report ng kasamahan nito na si Albert Markises alas-7:45 umano ng umaga nang mangyari ang insidente sa guard house ng Win Win Construction.

Una rito, pinagsabihan pa aniya ni Markises ang biktima matapos na makitang ikinakasa ang baril at tumitilapon ang mga bala at ibinabalik nito.

Nang makita umano ni Borlagdan na hindi lumabas ang bala ng baril ay sinilip aniya nito ang barrel ng shotgun at aksidente pumutok.

Halos wasak aniya ang pisngi ng biktima at wala ng buhay ng abutan ng medical team ng lokal na pamahalaan ng Pamplona.

Sa kabila nito, iniimbestigahan ng PNP ang pangyayari at ipinatawag sa kanilang himpilan ang mga kasamahan nito.