-- Advertisements --

CEBU CITY – Patay ang security guard ng isang supermarket matapos na aksidenteng matamaan ng bala ng sarili nitong service firearms sa Brgy. Bulacao sa lungsod ng Cebu.

Kinilala ang biktimang si Joramie Sangilan, 24-anyos at residente ng lungsod ng Talisay.

Ayon sa imbestigador na si Police Chief Master Sergeant Renel Chavez ng Pardo Police Station na nakatulog umano si Sangilan sa naturang supermarket nang dahil umano sa sobrang kapaguran.

Aksidenteng nalaglag ang kanyang .38 caliber revolver na baril at bigla umano itong pumutok.

Tinamaan si Sangilan sa kanyang kaliwang dibdib kaya naman isinugod ito sa pagamutan ngunit kinalaunan ay binawian ito ng buhay.

Nilinaw ni Chavez na wala silang nakikitang foul play nang mangyari ang naturang insidente.