CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang Security Guard sa pamamaril sa lalawigan ng Maguindanao Del Norte.
Nakilala ang biktima na si Edmar Bandi na residente ng Barangay Sarmiento Parang Maguindanao Del Norte.
Ayon sa ulat ng pulisya na abala ang biktima sa kanyang trabaho sa harap ng isang money remittance center sa Parang Maguindanao ng itoy lapitan ng isang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang suspek at sumakay ng motorsiklo sa naghihintay nitong kasama.
Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa ulo at dibdib.
Hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya ng biktima sa sinapit nito.
Sa ngayon ay may person of interest na ang Parang PNP sa suspek matapos itong mahagip sa CCTV.