-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay on the spot ang isang Sekyu sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Renen Juntillano Cabanting,41 anyos,may asawa at residente ng Barangay Katipunan M’lang Cotabato.

Ayon kay Pikit Chief of Police Lieutenant Colonel John Miridel Calinga na nakatayo lamang ang biktima sa receiving station ng Yarda Hardware sa Barangay Fort Pikit sa Pikit Cotabato ng itoy biglang lapitan ng dalawang hindi kilalang suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Nakatakbo pa si Cabanting ngunit hinabol ito ng mga salarin at binaril ng ilang beses.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa liblib na lugar sa bayan ng Pikit.

Agad binawian ng buhay ang biktima matapos magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Personal na alitan o atraso ang nakikitang motibo ng Pikit PNP sa pamamaril patay sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.