-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy na inoobserbahan ang lagay ng isang security guard matapos umanong barilin ng lasing na barangay kagawad sa Iloilo City.

Kinilala ang biktima na si Billardo Baquin, habang ang suspek ay kinilala sa pangalan na Arsenio Gabanto, kapwa residente ng Barangay Mandurriao.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Staff Sgt. Carlo Petalco, imbestigador mula sa Mandurriao-Philippine National Police, na galit ang motibo ng kagawad sa pamamaril matapos daw malaman na pinagkakalat ni Baquin na mayroon itong kalaguyo.

Pero depensa ni Baquin, mismong umano’y kalaguyo ni Gabanto ang hindi nakikitungo ng maayos sa kanya.

Sa ngayon sumuko na ang kagawad sa mga otoridad.