-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY- Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang pagbaril-patay sa isang security guard sa isang resort sa Sta. Ana, Cagayan na inuupahan ng mga Chinese nationals.

Ayon kay Police Master Sgt. Anatoly Viloria ng PNP Sta. Ana, sa kanilang pagtatanong sa isang Chinese national na nasa lugar, lumabas ito ng makarinig siya ng sunod-sunod na putok ng baril kagabi.

Nakita umano niya ang dalawang lalaki na tumakbo papalayo.

Tumakbo rin sa pinanggalingan ng mga putok ng baril ang isa pang gwardiya at dito nakita na naka bulagta at duguan ang biktima na si Jonar Balanay.

Dagdag pa ni Viloria, unang tinamaan sa paa ang biktima at tumakbo subalit hinabol ito ng mga suspek at malapitang pinagbabaril sa kanyang ulo.

Nagtamo ng limang ng tama ng 9mm na baril ang biktima.

Kinuha rin umano ng mga suspek ang shotgun na pagmamay-ari ng biktima.