-- Advertisements --

LAOAG CITY – Bigong makakuha ng tulong ang isang security guard mula sa driver ng kotse na nakabangga sa kanya sa Bacarra road sa lungsod ng Laoag.

Nakilala ang biktima na si Rolden Andres, isang security guard habang ang driver ng kotse ay si JV Acar, residente rin sa nasabing lungsod.

Una rito, habang binabagtas ni Acar lulan ang kanyang kotse sa bahagi ng Bacarra road ay bigla na lamang daw tumawid si Andres at dumapa kung saan medyo nahagip ito ng sasakyan.

Sa nakuhang video ni Acar ay kitang-kita na sinadya umano ni Andres ang pagtawid at bigla na lamang ang pagdapa sa kalsada.

Sa pag-uusap ni Acar at ang ama ni Andres sa himpilan ng pulisya, tumangging magbigay ng tulong ang una dahil walang naipakitang medical certificate at resibo ang huli na nagpapatunay na nagpa-check-up ang kanyang anak matapos ang insidente.

Hindi na rin nagbigay ng komento si Andres hinggil sa nangyari.