-- Advertisements --
ROXAS CITY – Naka-confine ngayon sa ospital ang 30-anyos na security guard matapos itong saksakin ng kaniyan sariling bayaw sa San Jose st., Brgy Tiza, Roxas City.
Nagtamo ng sugat sa hita ang biktima na kinilalang si Jeniez Cataluña ng nasabing lugar.
Ayon sa biktima nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo ng bayaw na si Jovan Tubongbanua at hindi niya inaasahan na sasaksakin siya gamit ang gunting.
Kaagad dinala sa ospital si Cataluña para gamutin ang natamong sugat.