-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Sa kulungan ang bagsak ng isang 16-anyos na estudyante sa Catbalogan, Samar matapos saksakin ang isang guwardya na nanita sa kanila.

Kinuyog ng suspek kasama ang mga kapwa niya estudyante ng Samar National School ang dalawang security guards na kinilala na sina Jeoffrey Cabreza at Dino Lamograr.

Batay sa report, sinubukan pa umanong tumakbo ng mga gwardiya pero nahabol sila ng mga lasing na estudyante.

Nagsimula raw ito matapos na sitahin nila ang naturang mga mag-aaral dahil sa pag-inom ng alak sa loob mismo ng paaralan.

Sinaksak ng suspek si Lamograr gamit ang icepick.

Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling sa ospital si Lamograr.

Hindi pa naman hanggang sa ngayon nagbibigay ng kanilang komento ang pamunuan ng naturang paaralan hinggil sa naturang issue.