-- Advertisements --

Aminado si Defense Secretary Delfin Lorenzana na nagkaroon ng security lapses kasunod ng pag-atake sa New Tubigon, Sibagan, Agusan del Sur, kung saan naging bihag ng New People’s Army (NPA) ang dalawang sundalo at 14 na CAFGU (Citizen Armed Force Geographical Unit).

Sinabi ni Lorenzana, nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng mga sundalo laban sa mga rebelde upang matukoy ang kinaroronan ng mga bihag na sundalo at tuluyang mailigtas ang mga ito.

Ipinauubaya na rin ni Lorenzana sa mga local government units at sa Office of the Presidential Adviser on the Peace Process ang nasabing asunto.

Sa initial assessment ni Lorenzana, nag-relax daw ang mga nadukot na tropa. Pangalawa, may isa aniyang CAFGU na kaanak ng NPA kaya isa ito sa tinututukan sa imbestigayon.

Una nang inihayag ng pamunuan ng 4th Infantry Division na bumuo na sila ng board of inquiry para imbestigahan ang insidente.

Tiniyak ni 4th Infantry Division commander M/Gen. Ronald Villanueva na mapaparusahan ang mga sundalo na mapapatunayang nagkaroon ng kapabayaan sa kanilang tungkulin.