-- Advertisements --
Panelo
Salvador Panelo

Binigyang-diin ng Malacañang na dapat pagbutihin pa ang intelligence gathering at mas higpitan pa ang mga security measures kasunod ng leaked alert memo ng Northern Luzon Command (NOLCOM) kaugnay sa presensya umano ng ISIS (Islamic State of Iraq and Syria) sa Northern Luzon.

“O, eh ‘di we will have to improve on our intelligence and we will be more strict, dadagdagan pa siguro natin iyong ating security measures,” ani Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sinabi ni Sec. Panelo, ito ang dahilan kaya nagpahayag ng pagkabahala at agam-agam si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa bantang ito ng ISIS.

Ayon kay Sec. Panelo, nag-umpisang pumasok ang mga teroristang ISIS sa Mindanao hanggang sa pumapasok na ang mga ito sa iba’t-ibang lugar.

“Hindi ba iyon—kaya nga that’s precisely why the President has expressed concern/apprehension kasi nga because of that,” pag-amin ni Sec. Panelo. “Yeah. Hindi ba matagal na ngang sinasabi ‘yan eh. Nag-umpisa sa Mindanao, pumapasok sa iba’t ibang lugar.”
Kasabay nito, iginiit ni Sec. Panelo na ang ISIS ay isang malakas na terror organization kaya hindi imposibleng makarating sa ibang bahagi ng bansa lalo binubuo ng maraming isla ang Pilipinas.

Pero nilinaw naman ni Sec. Panelo na ang nilalaman ng leaked memo ng NoLCOM ay “raw information” at dapat itong isailalim sa beripikasyon.

“Well—we must know that ISIS is a very strong terroristic or terror organization and it is able to penetrate different countries of the world. So it is not impossible for them to get into our country. There are many ways, we are a country of islands kasi eh, ‘yan ang problema, kahit saan puwede silang pumasok.”