Personal na nagsagawa ng inspection sa Quiapo church si National Capital Region Police (NCRPO) chief BGen. Vicente Danao Jr.
Kasama ni Danao, na magsagawa ng inspection ang bagong talagang Manila Police District Director na si BGen. Leo Francisco.
Binisita ni Danao ang Minor Basilica ng Black Nazarene bilang paghahanda sa nalalapit na Traslacion 2021.
Layon ng inspeksyon ni Danao sa simbahan ay para masiguro na ang ligtas at secured ang nasabing lugar at kung paano maiptupad ang health protocols partikular ang social distancing sa vicinity ng simbahan.
Personal ding nakipag-pulong si Danao kay Bishop Broderick Pabillo kung saan tinalakay ng dalawa ang nalalapit na Traslacion kaugnay sa mga plano at programa sa pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno.
Nais kasi ng heneral na mapanatili ang peace and order sa lugar.
Binigyang-diin ng heneral na mahigpit pa rin nila ipatutupad ang quarantine protocols.
Una ng inanunsiyo ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na gagamit ng yantok o batuta ang mga social distancing patrollers ang PNP.
Magugunita na nasa 300 police trainee ng NCRPO ang sumabak sa pagsasanay sa paggmit ng yantok.