-- Advertisements --

NAGA CITY – Bagama’t ilaang mga lugar sa Bicol region ang tinutukan ng mga otoridad noong nagkaraang eleksyon ngunit naging payapa naman aniya ang buong lugar.

Ito ang binigyan diin ni Capt. Joash Pramis, chief ng Division of Public Affairs Office (DPAO) ng 9th Infantry Division, Philippine Army, sinabi nitong naging matagumpay ang kanilang binuong security measures sa pamamagitan ng Joint Task Force Halalan.

Ngunit ayon kay Pramis, may ilang mga insidente naman aniyang naitala ngunit hindi naman ito direktang nakaapekto sa eleksyon habang agad namang naayos ng kapulisan.

Sa ngayon, bagama’t tapos na ang halalan, magpapatuloy pa rin aniya ang kanilang monitoring sa kanilang areas of responsibility para maiwasan ang anumang mga posibleng pagbabanta na nangyayari pagkatapos ng eleksyon.

Nanawagan rin ito sa publiko na agad na makipag-ugnayan sa mga otoridad sakaling may mapansing kaduda-dudang bagay sa kapaligiran.