-- Advertisements --
Brgy daycare workers

Sa isinusulong na Substitute Bill for Magna Carta of Daycare Workers o ang House Bill 01268, nais na masiguro ng mambabatas ang security of tenure ng mga workers.

Nakapaloob sa panukalang batas na bibigyan ng karampatang compensation, tamang working hours, mayroong access sa social protection at magkaroon ng training at programa upang mas mapabuti pa ang skills at madagdagan ang kaalaman sa pagtuturo sa mga kabataan.

Layunin rin ng panukalang batas na ito na makilala ang kahalagahan ng mga daycare workers sa child development.

Ayon kay Nueva Ecija, 1st District Representative Mikaela Angela Suansing, ang essence raw nitong panukalang batas ay ang kasigurohan na mayroong sapat na proteksyon ang mga daycare workers.

Ito ay binigyang diin ng mambabatas matapos magbigay ng suhestiyon ang United Nations Children’s Fund na posible ang non-plantilla position sa daycare workers bilang konsiderasyon na rin sa kapasidad ng budget ng Local Government Unit.

Sa ngayon, patuloy parin ang diskusyon sa nasabing panukalang batas upang mapagbuti pa ito.

Sinisiguro ng mga may akda nitong panukala na ang approval nito ay para sa ikakaganda at ikabubuti ng mga daycare workers sa bansa lalong lalo na ang nasa malalayong probinsya.