-- Advertisements --

Dalawang araw bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, nadagdagan pa ang seguridad sa loob at paligid ng Batasang Pambansa Complex.

Pinulong ng mga opisyal ng Presidential Security Group (PSG) ang hanay ng House Legislative Security Bureau para sa mga gagamiting ispesyal na X-ray machines sa Lunes.

Nitong Biyernes kasi nang magsimula ang pre-SONA lock-out at magtatapos bukas.

“On Saturday, the second day of the pre-SONA lock-out which will last until Sunday, the Presidential Security Group (PSG) briefed the House Legislative Security Bureau (LSB) on the special X-ray machines that will be used on SONA day.”

Inumpisahan na rin ang implementasyon ng car stickers at passes ng mga sasakyan na maari lang pumasok ng Batasan bago at sa mismong araw ng SONA.

Hindi na kasi papapasukin ang mga walang official business, gayundin ang mga walang opisyal na SONA ID.

Tuloy-tuloy na rin ang inspeksyon ng security officers at K-9 units sa lahat ng mga dumadating na equipments at gamit para sa programa.

Simula naman bukas ay pansamantalang ic-clear ang buong parking ng Batasan Complex para bigyang daan ang sasakyan ng mga darating na guest.

“First Come, First Serve” basis kasi ang magiging sistema sa Lunes.

“Non-organic personnel working on SONA day, such as stand-by MERALCO personnel, doctors and drivers of ambulance of accredited hospitals, shall be given provisional access passes. All parking areas inside the complex shall be cleared of all vehicles starting 6pm of Sunday. On SONA day, all parking spaces within the HRep Complex shall be strictly for vehicles bearing color-coded car passes on a “First Come, First Serve” basis.”

Una ng inanunsyo ng PNP na 14,000 pulis ang kanilang ipakakalat sa buong Metro Manila sa araw ng SONA.

Ang 8,500 mula rito ay ippwesto sa Quezon City.

Nagabiso na rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay naman ng mga ipagbabawal sa himpapawid at paligid ng Batasang Pambansa.