-- Advertisements --

DAVAO CITY – Mahigpit na seguridad ang ipatutupad para sa Iron Man 70.3 na isasagawa sa lungsod ng Davao sa darating na Marso 24.

Inihayag ni Public Safety and Security Command Center (PSSCC) Deputy Head Angel Sumagaysay na kailangan lamang i-fine tune ang security plan, na nasa 90 porsyento na raw handa.

Nakalatag na rin umano ang logistics para sa nasabing events.

Samantala, inihayag naman ni Davao City Police Office (DCPO) spokesperson P/Capt. Ma. Theresita Plaza-Gaspan, may ipapadalang augmentation force mula sa Police Regional Office–11, at ang mga provincial offices naman kagaya ng Davao del Norte ay kabilang sa mga magbibigay ng seguridad sa event na isasagawa ngayong buwan.

Inihayag ng DCPO na may magbabantay pa rin na mga police sa mga subdivision laban sa mga kawatan at mga akyat bahay.